Hi, viewers, need your sincere opinions, comments and suggestions on this. Really wished I was better at Filipino. -_-' Anyhoo, feel free to speak your piece (through YM, please---or leave a comment kung good! Hehe :) about anything under the sun, especially grammar in Filipino. Hehe. Here you go, enjoy. :)
Tsk. Malas.
Maaraw ang simula, maulap ang wakas. Sandali lamang, tila isang alaala na ngayon ang init ng sikat ng araw. Dumapo ito sa aking balat, malambing, mahaplos, walng katapusan.
At nakatingala ako ngayon sa langit, nagdurusa’t naghihinaing. Ito ang katotohanan ng isang kapus-palad. Habambuhay nababalot sa itim, ang kulay ng kamalasan. Habambuhay nabubulag, pisak ang isang mata.
Madalas sabihin na ang ulan ay isang pagbabago. Naglilinis, nagpupuro. Ngunit mga punyal ang bawa’t patak nito na pumapasok sa aking balat, nananaksak, walang kaawa-awa.
Maginaw, tila nilunok na ng mga hangin ang sinag ng araw. Walang dugong umaagos subalit lamig ang pumapasok. Lamig na kumakalat sa buong katawan, nadarama hanggang sa mga buto, halos magpatigil sa mahinang puso, nagpapalumpo sa kaluluwa.
Lakad lang. Tiisin ang ginaw. Ito ang katotohanan.
At dito na muna ako maghihintay. Hihiga’t susubukang kalimutan ang lamig. Titingin sa madilim na kalawakan, mamasdan ang pagtutulo, magdarasal na sumikat muli ang araw.
“Kuting, kuting.”
Ha?
“Halika. Malamig ang araw, at mahaba pa ang gabi.”
Dahan-dahan akong ibinuhat. Patuloy pa rin ang agos ng ulan, ngunit ang mga bisig na nakayakap sa akin ay umaapaw ng init. Malambing, mahaplos, walang katapusan. Isang araw sa tag-init, hitik sa pamumulaklak at kabuhayan.
“Huwag kang mag-alala, magiging mabuti ka rin.”
At sa gitna ng mga patak, sa halip ng karimlan, nakita ko ang mukha ng isang bata. Maamo ang mukha. Basa ang buhok. Pisak ang isang mata.
“Tara. Uwi na tayo.”
Itim na pusa. Sa kahit anumang sukatan, malas nga iyon. Pisak na mata. Kumpara sa karamihan, kami’y mga bulag. Iyon ang katotohanan.
Ngunit sa saglit na ito, sa pagitan ng malalakas na mga bisig, ang lamig ay nawawala’t napaplitan ng mahimbing na init. Na habang ang isa’y naiinis, umiiyak o nagtitiis, mayroon pang matatagpuang katotohanan na nasa kamay lamang ng mga nararapat. Ito’y kaakit-akit, ito’y kagiliw-giliwat kailanman ito’y walang pagmamaliw.
At sa munting sandaling ito, iyong katotohanan lamang ang tanging may kadahilanan.
Meow.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home